Tuesday, June 23, 2009

Lyrics - Pasubali - Sponge Cola

kung pwede lang huwag mo na itong iwasan
at huwag mo rin ituring na biro
marahil itoy’ di mo inaasahan
pero sana’y wag ipinid ang pinto

itikom ang bibig
mata’y ibaling sa kin
pakinggan mo ang sasabihin ko

kailan mo ba matututunan
kailan mo ba ipagsisigawan
na di mo na ipagkakailang tayo
kayrami nang pinagdaanan
ano pa ba ang iyong kailangan
nagsusumamo na sabihin mo

ang diwa ko’y tigib sa kaiisip
sa sarili laging may kinikimkim
patuloy lamang bang mananaginip
at mananatili lang na nakapikit

ako’y mayroong batid
ito’y iyong pag-amin
hindi na natin maiiwasan ito

kailan mo ba matututunan
kailan mo ba ipagsisigawan
di mo na ipagkakailang tayo
kayrami nang pinagdaanan
ano pa ba ang iyong kailangan
nagsusumamo na sabihin mo

itikom ang bibig
mata’y ibaling sa kin
pakinggan mo ang sasabihin ko

naintindihan mo ba?

kailan mo ba matututunan
kailan mo ba ipagsisigawan
na di mo na ipagkakailang tayo
kayrami nang pinagdaanan
ano pa ba ang iyong kailangan
nagsusumamo na sabihin mo

nagsusumamo na sabihin mo...

0 comments: